????, ????????????????? ??? ??? ??????- ?????? ?? ??? ?????? ?? ?? ??????? ?? ?????-??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipag-ugnayan na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pulisya para imbestigahan ang mga pangha-harass sa mga driver na hindi nakiisa sa tigil-pasada.

Kanina sunod-sunod ang natatanggap na ulat ng MMDA Metro base.

Kabilang sa nakarating na sumbong ang paghahagis ng pako sa Project 2 at 3, Quezon City.

Nabutas ang gulong matapos hagisan ng pako ang jeep sa Malabon at Novaliches.

Panghaharang ng kapwa driver sa mga pumapasadang jeep.

Tinirador ang windshield ng jeep sa Katarungan, Muntinlupa.

Ayon kay MMDA OIC Chairman Romando Artes umaasa sila na mahuhuli ang mga sangkot dito.

Samantala, agad nakapagpadala ng libreng sakay ang MMDA sa mga lugar na may naiipon na pasahero. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us