???????-???????? ?? ??? ??????? ?? ????? ???? ??????? ????????, ???????????? ?? ??????? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Buo ang suporta ni House Speaker Martin Romualdez sa naging desisyon ng House Committee on Agriculture and Food na i-cite in contempt ang tatlong indibidwal.

Diin ni Romualdez, malinaw ang layunin ng ikinasang imbestigasyon ng Kamara.

Ito ay upang tukuyin kung sino ang mga nasa likod ng kartel na nagmamanipula sa presyo ng bilihin at tuluyan itong buwagin.

Kaya babala nito sa mga resource person na kung hindi sila magsasabi ng totoo at hindi tutulong ay asahan na aniya nilang sa detention center ang kanilang bagsak.

“I am in full support of the decision of the Committee on Agriculture. We will not allow anyone to make a mockery of the hearings now being conducted by the Committee on Agriculture. We expect every resource person invited to tell the truth. No more, no less,” ani Romualdez.

Sampung araw na pagkakakulong ang kahaharapin nina Argo trading president Efren Zoleta Jr., operations manager na si John Patrick Sevilla at legal counsel na si Atty. John Ryan Cruz. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us