???, ??????? ??? ?????? & ?????? ?? ?????? ??? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang ginagawang search and rescue (SAR) operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para mahanap ang nawawalang helicopter na “Yellow Bee.”

Ayon sa PCG, nilibot ng PCG SAR team ang mga katubigang sakop ng mga isla ng Candaraman, Canibungan, Matangule, Sebaring, at Bugsuk sa Palawan.

Nilapitan din ng PCG SAR team ang mga lokal na mangingisda para malaman kung may napansin silang palutang-lutang na gamit o kahina-hinalang insidente na maaaring may kaugnayan sa hinahanap na helicopter.

Matatandaan na nakipag-ugnayan ang Philippine Aeronautical Rescue Coordinating Center (PARCC) sa PCG matapos mawalan ng contact sa YELLOW BEE na may sakay na pasyente mula Mangsee Island papuntang Brooke’s Point. | ulat ni Lorenz Tanjoco

?: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us