????? ???????? ?? ????????, ????????? ?? ?????? ?? ????, ??????? ????? ?? ?? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipagkakaloob bukas ng University of the Philippines kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang Doctor of Laws, Honoris Causa.

Kasabay ito ng dalawang araw na Official State Visit ng Punong Ministro ng Malaysia sa Pilipinas.

Pangungunahan ni UP President Angelo Jimenez ang paggawad ng naturang pagkilala, na gagawin sa UP Diliman Campus.

Ang pagbibigay ng parangal kay Ibrahim ay dahil sa pagkakaroon ng malawak na kaalaman nito tungkol sa talambuhay ni Dr. Jose Rizal, ekonomiya, demokrasya, pamamahala sa gobyerno, at pagsusulong ng karapatan ng Islam.

Si Ibrahim ay dumating na kanina sa bansa at bukas ng umaga ang nakatakdang pagtungo niya sa Unibersidad ng Pilipinas. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us