???? ??????, ?? ???????????? ?? ??????? ??????? ?? ????? ?? ????????????? ?? ???????? ??? ???. ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tikom ang bibig ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. hinggil sa itinatakbo ng kaso sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon sa kalihim, hindi siya makapagsalita ng detalyado dahil posibleng makaapekto ito sa ginagawa nilang imbestigasyon.

Hindi rin nito ibinahagi sa media ang mga posibleng motibo sa pagpatay sa governor, subalit tiniyak naman ng kalihim na lahat ng anggulo ay kanilang tinitignan at pinag-aaralan.

Pero sa kabila nito ay sinabi naman ni Abalos, na maganda ang kasalukuyang tinatakbo ng kaso at tiniyak na ginagawa nila ang lahat para mahuli ang nasa likod ng nasabing pamamaslang. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us