Wala pa ring kawala sa kaniyang pananagutan si Police Colonel Hansel Marantan kahit pa binawi na ng 13 Chinese nationals ang kanilang reklamo.
Ito ang inihayag ng Philippine National Police o PNP makaraang i-atras na ng mga naturang dayuhan ang kanilang reklamo laban sa 13 tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region o CIDG-NCR matapos arestuhin dahil sa iligal na pagsusugal sa Parañaque City noong Marso a-13.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo na kahit binawi na ng mga biktimang Tsino ang kanilang reklamo, hindi pa off the hook si Marantan.
Magugunitang sinibak ni CIDG Director, P/BGen. Romeo Caramat si Marantan dahil sa command responsibility matapos silang ireklamo ng mga biktima ng pangingikil kay Deputy Chief PNP for Administration P/Lt.Gen. Rhodel Sermonia.
Sinabi ni Fajardo, bagman abswelto na sila Marantan at mga tauhan nito sa kasong kriminal, tuloy pa rin naman aniya ang kasong administratibong kanilang kinahaharap dahil sa insidente. I via Jaymark Dagala