Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang mag-aamyenda sa Centenarians Act of 2016.
Sa ilalim ng House Bill 7535, ang mga senior citizen ay makakatanggap ng ₱25,000 na cash incentives oras na umabot sa edad na 80, 85, 90 at 95 years old.
Magtutuloy-tuloy din ang pagbibigay ng ₱100,000 na insentibo sa kanila oras na umabot sa edad na 100 taong gulang.
Kapag umabot sa kanilang ika-101 taong kaarawan ay makatatanggap naman sila ng ₱1 million. | ulat ni Kathleen Forbes