Hinarang ng Bureau Of Customs-Subic ang β±150-milyong pisong halaga ng misdeclared refined sugar o mahigit 30,000 sako ng misdeclared refined sugar na nagkakahalaga ng β±150-milyon sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City, Zambales.
Naglabas ang district collector na si Maritess Martin ng Pre-Lodgement Control Orders at Alert Orders kasunod ng mapanirang impormasyon mula sa Department of Agriculture (DA).
Batay sa ulat, pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, kasama ang iba pang opisyales ng ahensya ang pagsusuri sa limamput walong containers na naglalaman ng mahigit tatlumpung libong sako ng misdeclared refined sugar.
Naglabas ng warrant of seizure at detention laban sa mga nakuhang produkto dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at Sugar Regulatory Authority at BOC Joint Memorandum Order No. 04-2002.
Samatala, sinuri pa ang dalawang container ng squid rings at nakita ang ilan pang misdeclared assorted frozen meat products na nagkakahalaga ng mahigit β±40-milyon piso.
Maglalabas din ang BOC ng WSD laban sa dalawang container na may misdeclared frozen meat dahil sa paglabag sa mga kaukulang probisyon ng CMTA. | ulat ni Paula Antolin
?: BOC