Pasado na sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 7363 o ang βPondo sa Pagbabago at Pag-asenso o P3 Act.β
278 na mambabatas ang bumoto pabor para pagtibayin ang panukala na magsilbi bilang alternatibo ng mga maliliit na negosyo mula sa 5-6 at informal lenders.
Target nito na makapaglaan ng abot-kaya, accessible, simple at collateral free, βfinancing programβ para sa micro at small enterprises o MSEs lalo na ang mga bumabangon pa lamang mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez kailangan ng suporta ng MSME sektor dahil sa malaking bilang ng mga Pilipinong kanilang ini-empleyo.
Paraan din ito upang mailayo na sila sa mga mapagsamantalang loan sharks.
Sakaling maisabatas bubuo ng isang P3 Fund na maaaring magpautang sa mga kwalipikadong MSE sa pamamagitan ng Small Business Corporation, at accredited partner financial institutions gaya ng mga bangko, kooperatiba, loan associations, lending companies at iba pa.
Papatawan ng hindi lalagpas sa 1% na interes kada buwan ang mga benepisyaryo na mangungutan direkta sa P3 habang hindi naman dapat hihigit sa 2.5% ang interes kada buwan para sa mga mangungutang sa pamamagitan ng partner financial institutions. I via Kath Forbes