????????? ???????? ?? ????????? ?? ????? ?????? ???????, ??????? ?? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang bahagyang pagbagal ng inflation rate nitong buwan ng Pebrero.

Ito’y matapos i-ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbagal ng inflation sa 8.6 percent nitong Pebrero kumpara sa 8.7 na inflation na naitala nitong Enero ng kasalukuyang taon kasabay ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Dahil dito, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Baliscan na kailangang muling isaayos ng pamahalaan ang mga hakbang nito upang maibsan ang epektong dulot ng inflation sa mga Pilipino.

Binigyang-diin ni Balisacan ang kahalagahan ng pag-aangkat ng mga produktong agrkultural na siyang magbabalanse aniya sa value supply chain ng bansa.

Batay sa datos ng PSA, pangunahing nakaambag sa overall inflation ang food at non alcoholic beverages na may 10.8% inflation dahil sa pagtaas ng presyo ng sibuyas, isda gaya ng tilapia at karne.

Sinundan naman ito ng pabahay, tubig, kuryente, at produktong petrolyo na nagpakita ng 8.6% inflation dahil sa kuryente, renta sa bahay, at mataas na presyo ng LPG o Liquefied Petroleum Gas. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us