Malapit nang masubukan ng mga siklista ang bike park na tinatapos ng Quezon City LGU sa bahagi ng Payatas.
Ininspeksyon mismo ni Quezon City Mayor Joy Belmore ang soon to open na bike park na matatagpuan sa loob ng Payatas Controlled Disposal Facility.
Sinubukan ding magbisikleta ng alkalde para makita kung ito’y ligtas sa mga siklista.
Ang pagbubukas ng bike park sa Payatas ay hakbang ng LGU para mapaganda at mabigyang sigla ang dating dumpsite area at mapakinabangan ng publiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: QC LGU