Iminungkahi ni Deputy Speaker Ralph Recto na humugot ng pondo mula sa bilyong pisong budget ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), pantulong sa mga driver at operator na maaapektuhan jeepney modernization program.
Ayon sa Batangas solon, dapat ay taasan o dagdagan ang subsidya para sa implementasyon ng PUV Modernization Program.
Masyado kasi aniyang mahal ang βsticker priceβ ng modernong jeepney na nasa β±2.8-million.
Habang maliit naman ang kasalukuya subsidiya na nasa β±160,000 kada unit.
Ang halaga aniyang ito, katumbas lamang ng libreng pag-aaral sa kolehiyo ng dalawang estudyante o 10 pamilya na naka-enroll sa 4Ps.
Apela ng mambabatas na mapag-aralan sana at ikonsidera ang kanyang suhestyon upang maisalba ang tinawag niyang βlegacy jeepneys.β | ulat ni Kathleen Jean Forbes