??????? ???? ?? ?????? ?? ??? ?????????????? ???????? ?????????, ??????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Batangas Representative Ralph Recto ang Departmemt of Transportation (DOTr) na ikonsidera ang pagbili ng body cameras at ipasuot ito sa mga tauhan na nagmamando sa mga X-ray machine at security checkpoint sa paliparan.

Paraan aniya ito upang matiyak na magagampanan pa rin ng Office of the Transportation Security (OTS) personnel ang kanilang mandato at mabantayan na hindi sila mananamantala.

β€œA bodycam protects the checker and the checked. May footage habang binubuksan ang isang bag na may kaduda-dudang laman. At may resibo kung ang bag naman na iyon ay inatake ng salisi gang na naka-uniporme,” ani Recto.

Pagtitiyak naman ni Deputy Speaker Recto na may sapat na pondo ang DOTr para bumili ng bodycams.

Katunayan, noong aniyang 2021 mayroong β‚±331-million na budget na inilaan ang Kongreso sa OTS habang mayroong β‚±693-million na pondo mula sa Airport Security Fee at ipapang port usage fees.

β€œβ€¦Ang gross allotment or budget ng OTS ay lampas β‚±1-bilyon bawat taon. In 2021, β‚±331-million ang appropriated ng Congress, may konting automatic appropriations, at ang pinakamalaki ay ang β‚±693-million mula sa ASF at ibang port usage fees. In 2021, batay sa isang official report, may balance na β‚±207-million ang balon ng ASF β€œdividends” ng OTS. Pwede itong pambili ng bodycam, marami nang mapapakyaw…” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us