?????, ?????????? ?? ??? ??????? ??????????? ?? ????????? ?? ??????? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na muna itutuloy ng Bureau of Corrections (BuCor) ang planong pagpapatayo ng headquarters at ilipat ang New Bilibid Prison (NBP) sa Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.

Inanunsyo ito ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. sa naging pagdinig ng Senate Committee on Tourism.

Ayon kay Catapang, ang suspensyon ng plano ay habang hinihintay pa ang karagdagang pag-aaral na gagawin tungkol sa epekto ng planong pagpapatayo ng mga pasilidad ng BuCor sa kapaligiran ng Masungi.

Humihingi ang opisyal ng anim na buwan hanggang isang taon para sa gagawing pag-aaral.

Matatandaang una nang sinabi ni Catapang, na pagmamay-ari ng BuCor ang bahagi ng lupa sa Masungi kaya naman may karapatan silang magsagawa ng aktibidad sa naturang lugar.

Una na ring nagsagawa ng site inspection sa naturang lugar ang BuCor. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us