?????? ?? ????? ????????, ???????????????? ???? ????? ?? ????? ???????? ?? ??? ?????????? ?? ???????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasusumite ni Marikina Representative Stella Quimbo ng paliwanag ang Bureau of Plant Industry (BPI) kung bakit hindi ito dapat sampahan ng kasong maleficence sa Ombudsman.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food, pinuna ng mga mambabatas kung bakit pinahihintulutan pa rin ng Bureau of Plant Industry ang operasyon ng cold storage facilities na hindi naman pala accredited sa kanila.

Isa sa mga storage facility na ito ang ARGO Storage na humarap sa pagdinig.

β€œBakit pumapayag tayo na hindi accredited ang ating cold storages. E pinupuntahan naman nila. In other words, they recognize the existence of such facilities. So bakit kayo pumapayag? At sarili niyong administrative order itong accreditation. You are not supposed to operate. So kung ikaw ay not accredited, at pinuntahan mo, ang dapat mong sabihin is β€˜sarado ka na kasi hindi ka compliant.” diin ni Quimbo.

Aminado naman si BPI Director Glenn Panganiban, na bagamat hinainan na nila ang mga ito ng show cause order ay hindi naman nila ito maipasara.

Mayroong 151 na cold storage facility ang rehistrado sa BPI, at mayroong 30 non-BPI licensed cold storage din silang mino-monitor.

Ngunit sa nakaraang pagdinig sinabi na ni Panganiban na hinihiling na nila ang tulong ng local government para hikayatin ang non-accredited cold storages na magparehistro na sa kanila.

Punto ni Quimbo, dahil mismong ang BPI ang sumusuway sa kanilang administrative order ay walang malinaw at tamang datos sa monitoring ng suplay ng mga sibuyas sa mga cold storage.

β€œI move that we require BPI to submit a written explanation to the committee on why we should not recommend a filing of maleficence before the ombudsman. Kasi responsibilidad po nila na ipatupad ang sarili nilang administrative order on accreditation.” ani Quimbo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us