Malabo pang tapusin ng House Committee on Agriculture and Food ang pagdinig kaugnay sa isyu ng price at supply manipulation ng sibuyas.
Ayon kay Cavite Representative Elpidio Barzaga, hindi kakayanin ng tatlo o apat na pagdinig upang kanilang matukoy ang punoβt dulo ng problema.
Isa sa itinuturo nito ay ang tila malalim nang koneksyon ng tinaguriang βSibuyas Queenβ na si Leah Cruz.
Aniya, 2014 pa lang ay iniimbestigahan na nila si Cruz.
Walong taon na ang lumipas at nagpalit na ng mga opisyal, ngunit lumalabas at naiuugnay pa rin ang kanyang pangalan.
βSa tingin ko hindi makakaya yan ng tatlo o apat na hearing e. Kasi talagang kinakailangang malalim ang imbestigasyon, kasi ang pinapaliwanag nga natin, at alam naman ng ating mga kababayan, 2014, nagkaroon na kami ng investigation kay Leah Cruz. Walong taon na ang nakakaraan. Nagkaroon na ng mga pagbabago sa ating mga opisyales sa DA at saka sa BPI. Pero bakit ang lumalabas ngayong, andun pa rin siya. Sa madaling sabi, parang embedded na ang kaniyang connection,β ani Barzaga.
Katunayan, hindi aniya malayo na may sabwatan din si Cruz sa mga cold storage.
Lumabas kasi sa mga naunang pagdinig ng komite na pinapakyaw ni Cruz ang ani ng mga magsasaka ng sibuyas, ipapasok sa cold storage at saka naman ilalabas kapag mas mataas na ang presyo nito.
Sa susunod na Martes March 7 ay ipagpapatuloy ng komite ang kanilang motu proprio investigation. | ulat ni Kathleen Forbes