Maituturing na makasaysayan ang botohan ng Kamara para sa Resolution of Both Houses No. 6 o resolusyon na nagpapatawag ng βhybridβ Constitutional Convention para amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.
Nasa 301 na mga mambabatas ang bumoto pabor sa panukala, kasunod na rin ng isinagawang Majority Caucus.
Kasama naman sa mga tumutol si Davao City Representative Paolo Duterte.
Sa isang pahayag, matapos ipasa ang RBH 6, sinabi ni Duterte na hindi niya tinututulan ang pag-amyenda sa 1987 Constitution, bagkus ay ang panahon o timing lamang ng pagsusulong nito.
Aniya, maraming mas mahahalagang social at economic issue na dapat pagtuunan ng pansin sa ngayon.
Maliban dito, ang bilyong pisong halaga na gagastusin para sa pagsasagawa ng Con-Con ay maaari sanang ilaan na lamang sa mga programa na makatutulong para ibsan ang paghihirap ng maraming pamilyang Pilipino.
βTo reiterate, we are not in opposition against the said measure per se, but we suppose that it is not timely, our country is facing more pressing social and economic issues, like inflation and poverty among others, that we need to prioritize. Billions to be allocated for a Constitutional Convention could be allocated instead to other programs intended to improve the living conditions of thousands of Filipino families,β saad ni Duterte.
Dapat ay isasalang na rin sa deliberasyon sa plenaryo nitong Lunes ang House Bill 7352 o accompanying bill ng RBH 6 na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagdaraos ng Con-Con.
Ngunit ipinagpaliban ito matapos mag-mosyon si KABATAAN Party-list Representative Raoul Mauel at kwestyunin ang kawalan ng βwarm bodiesβ sa plenaryo.
Dahil dito, ngayong araw na lamang itutuloy ang pagtalakay sa panukala. | ulat ni Kathleen Jean Forbes