Bumuo na ng Task Force Naujan Oil Spill ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para siyasatin ang nangyaring oil spill sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro.
Kasunod ito ng isinagawang emergency meeting sa pagitan ng kagawaran, Philippine Coast Guard (PCG), at local chief executives ng Oriental Mindoro.
Itinalaga ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga bilang Task Force Commander si Undersecretary at Chief of Staff Marilou Erni habang kasama rin sa miyembro nito sina Undersecretary Jonas Leones, at Undersecretary Juan Miguel Cuna.
Kabilang sa tutukan ng task force ang posibleng impact sa marine biodiversity ng oil spill.
Sa pinakahuling datos ng DENR, umabot na sa anim na kilometro ang haba at na apat na kilometro ang lawak ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress na isang oil tanker.
Target ngayon ng task force na magsagawa ng aerial surveillance katuwang ang PCG at Philippine Air Force.
Nauna na ring nagsagawa ng water sampling ang DENR- EMB para masuri ang epekto ng oil spill sa mga munisipalidad ng Naujan, Pola, at Pinamalayan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: PCG