???, ??????????? ?? ??? ???????? ?? ??? ????? ?? ???? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gumugulong na ang turn-over o paglilipat ng mga datos at impormasyon tungkol sa mga overseas Filipino worker (OFW) na hawak ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sa pagharap ni DFA Assistant Secretary Paul Cortes sa House Committee on Overseas Workers Affairs, sinabi nito na sinisimulan na nilang ipasa sa DMW ang mga dokumento na may kaugnayan sa mga OFW gaya ng mga may kaso.

Kasunod na rin ito ng apela ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo, chair ng komite, na magkaroon ng β€˜one data’ o iisang datos ang mga ahensyang may kinalaman sa mga OFW.

β€œAt this point po kasi we are trying to work out with DMW a slow turnover po ng lahat ng mga files, lahat ng mga kaso natin. We are undergoing a one-on-one training with DMW on Monday para mapasa na ho lahat ng mga data namin to DMW. And at the same time magkaroon tayo ng unified reporting system which we are still working on this,” paliwanag ni Cortes.

Paalala ni Salo na para sa mga mambabatas, kailangan na maging data-driven at evidenced-based ang mga polisiyang kanilang isusulong.

Kaya kung magkakaroon ng magkakaibang datos ang mga ahensya, ay mahihirapan silang magabayan sa mga ipatutupad na lehislasyon.

β€œKung iba-iba po yung datos po natin, it’s so difficult to come up with a policy that will be able to address and become more effective. So we really need na unified po yung datos natin,” ani Salo.

Sa naturang briefing ibinahagi ni Cortes na sa nakalipas na limang taon ay nakapag-pauwi sila ng labi ng mga nasawing Overseas Filipino gamit ang Assistance to Nationals (ATN) Funds na umabot ng β‚±288-million.

Nasa 27 dito ay nasawi dahil sa murder o foul play.

Mayroon din aniyang 83 Overseas Filipinos na nasa death row.

Ngunit ilan aniya sa mga ito ay nagawang maapela ng Philippine government upang mapababa ang sentensya o kaya’y magkaroon ng moratorium o pagpapaliban sa pagpapatupad ng death penalty.

β€œMeron ho tayong mga kaso na talagang death penalty na we appealed and eventually na commute to either two sentence reprieve o kaya’y an official moratorium on the implementation [of death penalty],” dagdag ng opisyal. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us