Magkakaloob ang pamahalaan ng tig P10,000 halaga ng humanitarian package para sa mga overseas Filipino worker (OFW) mula Saudi Arabia, na hindi pa rin nakatatanggap ng kanilang sweldo mula pa noong 2016.
Ito ang inanunsiyo ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople kasunod ng ikinasang joint undertaking ng DMW, Overseas Workersβ Welfare Administration (OWWA), at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Ople, nasa 10,000 worker claimants aniya ang makikinabang sa ibibibigay na humanitarian package batay na rin sa datos mula sa OWWA, kung saan P5,000 ang matatanggap nila mula sa DMW at P5,000 naman mula sa DSWD.
Malungkot ding ibinalita ni Ople, na nasa 100 claimants ang sumakabilang buhay na nang hindi pa rin nakukuha ang kanilang sweldo mula sa nagsarang construction firms mula sa Saudi. matapos magdeklara ng bankruptcy noong 2015 at 2016
Kasunod nito, nagpasalamat din si Ople kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sa tulong na kanilang ipinagkaloob para sa mga kababayan mula Saudi na nawalan ng trabaho.
Tiniyak din ni Ople, na patuloy na magkakaloob ng ayuda ang Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia, habang hinihintay pa ang negosyasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Saudi sa susunod na buwan. | ulat ni Jaymark Dagala