????, ???????? ??? ????? ?? ??? ???????? ?? ??? ????????, ???????????? ???? ?? ??? ????????????? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na padaliin ang proseso at requirements ng PUV Modernization Program ng pamahalaan para mas ma-accomodate ang mga driver at operator na lalahok sa naturang programa.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, sa ganitong paraan ay mas mahihikayat pa ang mga transport groups na ma-adapt ang naturang programa at ng sa ganon ay mas maintindihan pa nila ang nilalaman ng pagsasaayos ng pampublikong transportasyon sa bansa.

Dagdag pa ng kalihim na nais nitong magkaroon ng personal na pakikipag-dayalogo sa transport sector groups upang maipahatid ng personal ang nilalaman ng modernization program ng ating bansa upang mabigyan ng linaw ang kanilang mga agam-agam na total phase out ng jeep sa bansa.

Sa huli, ang tanging hangad lang ng Transportation Department na magkaroon ng mas komportable at ligtas na transportasyon ang bawat mananakay sa ating bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us