?????? ????????? ?? ????? ????? ?? ?????????, ??????? ?? ???? ?? ?????????? ?? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo na para sa proteksyon ng mga Filipino seafarer ang Escrow Provision sa panukalang Magna Carta of Seafarer.

Kasunod ito ng pagkuwestyon ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas sa naturang probisyon na aniya ay ikadedehado ng mga Pilipinong mandaragat.

Dapat kasi aniya, ano mang benepisyong dapat matanggap ng seafarer ay agad na makuha kahit pa mayroong kasong dinidinig.

Paglilinaw naman ni Salo, ibibigay talaga sa seafarer ang lahat ng benepisyo na nakasaad sa kanyang kontrata.

Ang tanging ipapasok sa escrow ay ang halaga na posibleng maging kabayaran nito sakaling manalo sa kaso.

Sakali naman na nais pa rin itong kunin ng seafarer ay maaari itong mag-isyu ng bond.

β€œKapag nagkaroon po ng kaso, nag-file po ang isang seafarer at nagkaroon po ng arbiter, yung entitlement po niya sa kasalukuyan, maaaring bibigyan po siya ng unpaid salaries and that’s his right. Ngayon maaaring may mga benefits po siya na entitlement, right po niya yun. Ngayon dun sa arbiter, maaaring mag-award po siya ng tinatawag po natin na other monetary award…hindi po yan kasama sa statutory right ng isang seafarer… ang magiging subject lang po sa escrow, yung anything na hindi po nasasaad sa batas at hindi po siya kasama dun sa CBA po nila na inaward po sa kaniya,” paliwanag ni Salo.

Punto ni Salo, may mga pagkakataon na pinababalik sa seafarer ang β€˜discretionary award’ oras na umabot sa Court of Appeals o Supreme Court ang kaso.

β€œPagdating po sa Court of Appeals, then sa Supreme Court, kadalasan po β€˜yan, mino-modify. Tinatanggal po yung award na discretionary. At the end of the day, sino ang magbabayad, and magbabalik? Ang magbabalik ho niyan is the seafarer… and at the end of the day ang at risk, yung kabuhayan po niya, yung kaniyang bahay na naipundar ay nakukuha,” giit ni Salo.

Makikinabang din naman aniya ang seafarer sa escrow money dahil kung tumagal man ang pag-dinig sa kaso, ay kikita ito ng interes at oras na manalo ay mas malaki ang perang makukuha.

β€œIn case tumagal po yan, may interes po yan habang naka escrow. Kanino po yan pupunta? Kung panalo si seafarer pupunta pa rin po sa kanya. Pero kapag natalo po siya, wala po siyang kailangan ibalik,” diin ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us