?????? ???????? ?? ?????????, ??? ?????????? ?? ?? ????? ????? ?? ??? ??????? ?? ???? — ????????? ?????? ??.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas makikilala pa ang mga produkto at serbisyo ng Pilipinas sa mga susunod na taon, lalo at kayang makipagsabayan ng bansa sa international market at demand.

β€œI know in my heart, that the Philippines is a reliable partner and sourcing destination for various trade sectors such as home, fashion, lifestyle, food, creative, and sustainability,” β€” Pangulong Marcos.

Sa naging talumpati ng pangulo sa TANAG event ng Center for International Trade Expositions and Mission (CITEM) sa Taguig City, sinabi ng pangulo na ito ay dahil na rin sa patuloy ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga reporma na titiyak na magiging ideal player ang bansa sa export sector.

β€œFor instance, we are creating high-value and competitive Philippine products and services capable of serving the needs of consumers and producers worldwide. Various initiatives and reforms have likewise been made for an enabling environment for businesses,” β€”Pangulong Marcos.

Ginagawa na rin aniya ng pamahalaan ang lahat, upang mapaigting ang mga impastruktura nito, at mapalawak ang domestic capabilities ng bansa, para sa growth at development ng export industry.

Bukod dito, ang pamahalaan, pinaiigting rin aniya ang export promotion activities, upang makatulong sa pagbubukas ng oportunidad para sa maliliit na negosyante sa global market.

β€œAnd on this note, once again, the DTI will expedite the completion of the Philippine Export Development Plan 2023-2028 to implement a holistic plan that will align the priorities of concerned stakeholders, produce quality export products, and further expand their reach across the globe,” β€” Pangulong Marcos.

Samantala, ginamit rin ng pangulo ang kaganapan, upang kilalainin ang local at foreign trade partner ng Pilipinas.

β€œIn this age of economic transformation, we note the important role of our local and foreign trade partners, organizations and stakeholders to the country’s export performance in the past years,” β€”Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us