Nasa P288.539 million na halaga ng Assistance to Nationals (ATN) ang nailabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang mapauwi ang labi ng mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFW) na nasawi overseas.
Sa datos na iprinisenta ni DFA Assistant Secretary Paul Cortes sa House Committee on Overseas Workers Affairs, 1,450 na mga labi ng OFW ang napauwi sa Pilipinas mula 2018 hanggang 2022.
Kabilang sa top causes o sanhi ng pagkasawi ang COVID-19, vehicular accidents, natural causes, at medical illness.
Maliban naman dito, mayroon ding naitalang 27 kaso ng pagkamatay dahil sa murder o foul play.
Walo dito ay sa Saudi Arabia, lima sa South Africa, dalawa sa Cyprus.
Mayroon ding apat na Pinay OFW na nasawi mula Kuwait kabilang na si Jullebee Ranara, Jeanelyn Villavende, Constancia Dayag at Joanna Demafelis.
Ayon kay Cortes maliban sa financial assistance at pagpapauwi sa labi, ay naglalaan din ng legal assistance at abogado ang pamahalaan upang matiyak na mapanagot ang mga may sala sa pagpatay sa ating mga kababayan.
βFor Kuwait for instance, in the past couple of years, weβve had a couple of cases na talagang sensational. Nandyan po yung Demafelis, yung Villavende, at ito na nga hong si Jullebee Ranara na kung saan nagbigay ho tayo ng abogado paramahabol yung mga pumatay sa kanila, at mabigyan ng hustiysa yung kanilang mga pagkamatay.β β Cortes | ulat ni Kathleen Forbes