Pormal nang binawi ng House Committee on Agriculture and Food ang contempt order laban sa mga opisyal ng Argo International Forwarders.
Itoβy matapos maisumite na ng kompanya ang hinihinging dokumento ng Komite.
Ayon kay SAGIP Party-list Rodante Marcoleta, na siyang nag mosyon ng para i-contempt sina ARGO trading president Efren Zoleta Jr., operations manager na si John Patrick Sevilla at legal counsel na si Atty. Jan Ryan Cruz, kuntento siya sa paliwanag at tugon ng ARGO.
Katunayan maliban sa hinihinging 2022 documents ay magsusumite na rin sila ng datos mula 2020.
“The data that they had initially filed for compliance is only for 2022. And I understand that they are trying to get as far back as 2020, so that will be three years in a row, that we shall be able to analyze and study the data that will eventually help us hunt these economic predators Mr. Chair,” ani Marcoleta.
Ang legal counsel na si Cruz ang naghain ng apela sa mga mambabatas para bawiin ang contempt order.
Aniya hindi nila intensyon na suwayin ang atas ng Komite.
Kapwa humingi rin ng paumanhin ang tatlong opisyal sa mga mambabatas na miyembro ng Komite.
Kung matatandaan sa nakaraang pagdinig ng komite noong March 7, ipina-contempt ang mga opisyal ng ARGO trading matapos bigong ma-isumite ang hinihinging mga dokumento patungkol sa kanilang kliyente at inventory ng sibuyas na inimbak sa kanilang pasilidad dahil umano sa confidentiality. I via Kath Forbes