Kapansin-pansin na mas marami nang jeep ang bumibiyahe sa bahagi ng Sangandaan at Monumento sa Caloocan City.
Ang ilan kasi sa mga jeepney driver na hindi bumiyahe kahapon ang nagbalik-pasada na ngayong araw.
Ayon kay Mang Julius na byaheng MCU, hindi ito bumiyahe kahapon bilang pakikisama sa mga kapwa tsuper na nag-strike.
Ganito rin ang sinabi ni Mang Joseph na aminadong nanghinayang sa isang araw na walang kita.
Makikiramdam naman si Roland kung itutuloy ang biyahe maghapon o igagarahe din lalo kung may mga kasamahan pa ring sasali sa strike ngayong araw.
Tiniyak naman ng Caloocan LGU na magpapatuloy pa rin ang pagde-deploy nito ng libreng sakay para sa mga pasaherong mahihirapan pa rin sa kanilang commute.
Nauna nang iniulat ng pamahalaang lungsod na umabot sa 2,800 ang mga pasaherong nabigyan ng libreng sakay ng LGU sa unang araw ng transport strike. | ulat ni Merry Ann Bastasa