Inilabas na ng National Economic and Development Authority ang implementing rules and regulations ng Republic Act 11659 na nag-aamiyenda sa Public Service Act.
Matapos ang extensive review at konsultasyon, inaprubahan ng dalawampuβt isang ahensya kabilang ang NEDA ang IRR ng batas na epektibo na sa April 4.
Kasama sa nabuong IRR ang liberalization ng key public services kung saan pahihintulutan ang full foreign ownership ng mga negosyo sa piling industriya tulad ng paliparan, railways, expressways at telecommunications.
Mananatili naman ang 60-40% foreign equity limitation sa public service utilities partikular sa electricity transmission and distribution, PUVs, seaports, petroleum products pipeline transmission systems at water and wastewater pipeline distribution system kabilang ang sewerage.
Samantala, nagtakda naman ng safeguard provisions na poprotekta sa Pilipinas laban sa mga banta sa pambansang interes dulot ng proposed merger, acquisition o investment sa public service.
Naniniwala si Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na dahil sa PSA ay lalakas ang posisyon ng bansa bilang investment hub na magbibigay ng oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.
Bukod dito ay umaasa si Balisacan na makakamit ang inaasam na kapital at teknolohiya, mapapanatili ang paglago at lilikha ng dekalidad na trabaho na magpapabilis sa pagsugpo ng kahirapan sa susunod na anim na taon. I via Hajji Kaamino