?????? ?????? ????-???? ?? ?? ????Γ‘???? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahin bilihin, ang lokal na pamahalaan ng ParaΓ±aque ay naglagay ng mga Kadiwa store sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Ayon kay Mayor Eric Olivarez, ang proyektong ito ay may layuning tulungan ang mga residenteng makabili ng mga abot-kayang bilihin tulad ng gulay, prutas, karne, at iba pang produkto.

Ang programa ay pinangangasiwaan ng Consumer Welfare Office ng lungsod sa pangunguna ng Department of Agriculture.

Ang Kadiwa stores ay umiikot araw-araw sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, tuwing araw ng Lunes.

Ang Kadiwa ay nasa sa Raya Garden sa Barangay Merville at Barangay Moonwalk.

Sa Barangay San Antonio naman tuwing Martes nakapwesto ang Kadiwa store habang kada Miyerkules, ang Kadiwa ay matatagpuan sa El Dorado sa Barangay Don Bosco at Airport Village sa Barangay Moonwalk.

Ilalagay na rin ang Kadiwa sa Barangay sa Aeropark sa Barangay Don Bosco at Fountain Breeze sa Barangay San Isidro tuwing araw ng Sabado. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us