?????????? ??????? ?? ??????, ?????????? ????????? β€” ???. ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangan pang palakasin ang kakayahan ng bansa na tumugon sa mga sakuna.

Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. kasabay ng pagpuri sa Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent, na tumulong sa mga biktima ng lindol sa Turkiye.

Ayon sa kalihim, ang Pilipinas ay hindi nauubusan ng mga magigiting na indibidwal na walang takot na humaharap sa panganib para makatulong sa kapwa.

Paalala ng kalihim, ang nangyaring lindol sa Turkiye at Syria ay isang trahedya na maaari ding mangyari sa Pilipinas.

Kaya hindi aniya dapat magpakampante, at patuloy na pahusayin ng bansa ang kakayahan sa disaster prevention, mitigation, response, rehabilitation, at recovery efforts.

Regular na nagsasagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ang pamahalaan, bilang paghahanda sa tinaguriang β€œthe big one” o malakas na lindol sa Luzon, na maaring mangyari anumang araw dulot ng pagkilos ng west valley fault. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us