Nasa 100 bus ang magkatuwang na inilaan ng MalacaΓ±ang at House of Representatives upang umagapay sa mga commuter na naapektuhan ng jeepney strike.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, sa kabila ng pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na aaralin ang planong jeepney modernization program ay itinuloy pa rin ng ilang transport group ang tigil pasada.
Para naman matiyak na may sapat pa ring masasakyan ay ipinagamit ang naturang mga bus sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nag-deploy sa mga ito.
Batay aniya sa natanggap niyang ulat, 46 sa naturang mga bus ang ginamit nitong umaga at nakapagsakay ng nasa 1,380 katao.
Kabilang sa mga ruta kung saan idineploy ang mga bus ang:
– Baclaran-Sucat
– Baclaran-Dapitan
– SM Sangandaan-Divisoria
– Buendia-Guadalupe
– Zobel-Roxas-Dulo (Sta.
Ana)
– DOST Bicutan-Sucat
– Alabang-San Pedro
– Alabang-Calamba
– Philcoa-TM Kalaw
– BFCT-Cubao
– Monumento-Navotas
– Monumento-Malanday
Umapela naman ang House leader na idaan sa diyalogo ang paglutas sa isyu sa modernization program, dahil ang mga commuter it ang naiipit sa naturang strike.
βPresident Marcos has shown that he is sympathetic to the issues raised by certain transport groups over the jeepney modernization program. I appeal to those concerned to engage the government in a sincere dialogue to resolve this issue. Kawawa po naman ang ating mga commuters na sila ang laging naiipit at nahihirapan tuwing magkakaroon ng ganitong transport strike.β pagtatapos ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes