Nasa kamay na ngayon ng mga kasamahang mambabatas ang kapalaran ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ngayong naisumite na ng House Committee on Ethics and Privileges ang rekomendasyon sa patuloy na pagliban ni Teves sa kabila ng kawalan ng travel authority ay plenaryo na ang magde-desisyon sa ipapataw na sanction dito kung mayroon man.
Ani Romualdez, ilang pagkakataon na ang ibinigay kay Teves para umuwi at linawin ang kanyang panig bilang pagkilala at paggalang sa kanyang karapatan.
Makailang ulit na rin aniya niyang hinimok na umuwi si Teves matapos mapaso ang travel authority nito noong March 9.
βI have, time and again, asked Cong Arnie to come home after the expiration of his travel authority last March 9. The last time we spoke over the phone, I personally relayed my instruction for him to return to the country at once. I assured him that the Speaker and the House of Representatives will exert all possible means to secure his personal safety as soon as he lands back home,β ani Romualdez.
Tiniyak naman ni Romualdez na magiging patas ang Kamara sa pagde-desisyon sa kahihinantnan ni Teves.
βThe decision on Cong Arnieβs case now lies at the hands of his fellow House Members, voting as an institution. I was informed that the Ethics Committee is ready submit its report and recommendation for plenary action. Rest assured that the House of Representatives will render its decision on this case observing due process and fully cognizant of Cong Arnieβs rights, but with the best interest of the nation in mind,β dagdag ng House leader. I via Kath Forbes