????????? ??????? ?? ??????????, ?????????? ?? ???????? ??? ????-????? ????? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dismayado si ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Reyes sa biglang paglobo ng bilang ng mga batang biktima ng child labor.

Aniya, nakababahala at hindi katanggap-tanggap ang pagtaas ng kalahating milyon sa bilang ng child laborers sa bansa mula noong 2020.

Batay sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong 1.37 milyong mga batang nagtatrabaho na edad lima hanggang 17-taong gulang noong 2021.

Mas mataas ito kaysa sa 872,333 mga bata sa parehong edad na nagtatrabaho noong 2020.

Ayon pa sa PSA, ang sektor ng agrikultura ang may pinakamataas na bilang ng mga batang nagtatrabaho (45.7 percent), sinusundan ng sektor ng serbisyo na nasa 45.4 porsyento ng kabuuang bilang ng mga batang nagtatrabaho.

Dahil dito, kinalampag ng mambabatas ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na tutukan ang isyu at tiyaking naipatutupad ng tama ang Anti-Child Labor Laws ng bansa.

Dagdag pa nito na kung may mga dapat baguhin sa batas ay agad ipagbigay-alam sa kanilang mga mambabatas upang ma-amyendahan.

β€œSa mga ahensyang inatasan ng katungkulan hinggil dito, gawin ninyo ang trabaho at solusyunan ang problemang ito. Kung mayroong mga butas at kakulangan ang umiiral na batas, sabihin ninyo para magawan natin ng kaukulang amyenda sa Kongreso,” diin ni Reyes. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us