Naibaba na ang apat na bangkay na sakay ng Cessna plane na bumagsak sa dalisdis ng Mayon Volcano.
Iyan ang kinumpirma ni Camalig, Albay Mayor Carlos Baldo.
Kinilala ang apat na biktima na sina Rufino James Crisostomo Jr. na piloto, aircraft mechanic na si Joel Martin, at dalawang Australian passenger na sina Simon Chipperfield at Karthi Santhanam.
Itinurn-over na ang mga bangkay sa Scene of the Crime Operation o SOCO para sa kaukulang imbestigasyon.
Nabatid na inabot ng 13 araw ang pag-retrieve sa mga bangkay dahil sa umanoy mapanganib ang lugar at pa iba-ibang kondisyon ng panahon. | ulat ni Janze Macahilas