Muling siniguro ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na nakahanda ang kanilang revenue line sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng week long transport strike na nag-umpisa na ngayong araw.
Ayon kay LRMC Corporate Communications Head Jackie Gorospe, na bukas ang kanilang operasyon mula alas-4 ng madaling araw hangang alas-10:15 ng gabi, upang maging alternatibong transportasyon habang kasagsagan ng isang linggong transport strike.
Dagdag pa ni Gorospe, na nag-deploy na sila ng mga kaukulang tauhan bilang paghahanda sa posibleng paglobo ng volume ng mga pasahero ngayong buong linggo upang maghatid ng maayos at ligtas na pagbiyahe sa Light Rails Transit (LRT) line 1. | ulat ni AJ Ignacio
Photo: LRMC FB