?????: ??% ???? ?? ???? ?? ????? ?????? ??? ???????? ?? ????? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maliit na porsiyento lang ng mga pampasaherong tsuper ang sumama sa tigil pasada ayon yan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa monitoring ng LTFRB, kaninang 11AM, nasa 10 percent lang ng ruta sa Metro Manila habang 5 percent naman sa buong bansa ang naapektuhan ng transport strike.

Ayon kay LTFRB Technical Head Chief Joel Bolano, karamihan din ng rehiyon ay walang transport strike.

Kaugnay nito, muli namang nanawagan ang ahensya sa mga sumama sa strike na makipagdiyalogo nalang sa pamahalaan dahil handa naman silang makipagkompromiso.

Nananatili pa rin aniyang bukas ang kanilang pinto para pakinggan ang hinaing ng mga ito, nang hindi na tumagal sa isang linggo ang hirap din sa pagsakay ng ilang commuter.

Tiniyak naman ng LTFRB, na mananatili ang contingency measures ng pamahalaan gaya ng libreng sakay hangga’t umiiral ang transport strike. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us