Nagpaliwanag si Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Erwin Garcia sa maagang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).
Ayon kay Garcia, layon ng maagang filing ng COCs na matanggap at maresolba ang mga kaso ng disqualification at ng nuisance cases.
Palagi na lamang aniyang problema ng komisyon ang nababalam na pagdidisposisyon sa mga nagpapatong-patong na reklamo na may kaugnayan sa halalan.
Ngayong darating na Hulyo ay tinakda ng Comelec ang filing ng COCs ng mga kandidato sa BSKE, ngunit kinuwestiyon ito ni Representative Gus Tambunting ng Ikalawang Distrito ng ParaΓ±aque City.
Ayon sa mambabatas, makokompromiso ang integridad at kaligtasan ng proseso ng BSKE lalo na at magkakaroon ng mahabang election period, na magiging banta sa kapayapaan at kaayusan ng mga barangay. | ulat ni Lorenz Tanjoco