Namataan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na naka istasyon sa Pag-asa Island ang Peopleβs Liberation Army (PLA) Navy vessel, China Coast Guard (CCG) vessel 5201, at ang mahigit 40 hinihinalang mga Chinese Maritime Militia (CMM) na naka-angkla sa nasasakupang lugar ng Pag-asa Island.
Tinatayang may layong apat hanggang walong nautical miles ang mga namataang Chinese sa Pag-asa Island, na malinaw na nasa loob ng 12 nautical miles territorial sea.
Nasa 14 na hinihinalang Chinese Maritime Militia ang nakaangkla sa Pag-asa Cay 3, habang ang halos 30 CMM Vessels ay nakita sa of Pag-asa Cay 4.
Siniguro naman ng Philippine Coast Guard alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na walang humpay na isasagawa ng mga ito ang makabayang tungkulin sa pagpapatrolya sa ating mga katubigan sa West Philippine Sea. | ulat ni Paula Antolin
Photos: PCG FB