Inatasan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Traffic and Transport Management Division na ihanda ang mga bus at truck ng city hall, upang isakay ang mga maaapektuhan ng isang linggong transport strike.
Ayon sa alkalde, malaking volume ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay halos manggagaling sa Quezon City patungo sa ibang lungsod.
Kabilang sa mga pinalalagyan ni Belmonte ng mga bus at truck ay ang Cubao, Commonwealth Avenue, Welcome Rotonda, Novaliches Bayan, Quezon Avenue, East Avenue, QC Circle at Fairview Area.
Inatasan din niya ang Quezon City Police District, na magpakalat ng mga pulis sa mga lugar na maaaring pagmulan ng gulo sakaling may mga grupo na humarang sa mga driver na ayaw sumama sa strike.
Maging ang lahat ng eskwelahan sa lungsod ay hinihikayat ng alkalde na magpatupad ng mga doable classes, dahil mayroon naman daw ipinamahagi na tablet sa mga estudyante.
Maging ang mga kumpanya ay pinapayuhan na rin ng QC LGU na magpatupad ng work from home sa kanilang mga empleyado. | ulat ni Michael Rogas