??? ??????? ?? ???????? ????? ??????? ??? ????? ?????, ????? ???? ????????? ???? ?? ????? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni House Committee on Labor and Employment Chair at Rizal 4th District Representative Fidel Nograles ang gobyerno na lalo pang palakasin ang mga hakbang sa laban nito kontra child labor sa bansa.

Ayon kay Nograles, mas tumaas ang bilang ng mga kabataan na napupuwersang magtrabaho simula nang pandemic kaya dapat mas dumami ang mga kakampi, para protektahan ang mga ito laban sa kapahamakan na dulot ng child labor and exploitation.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority, umakyat ang child labor incident noong 2021 sa 1.37 million working children mula limang taong gulang hanggang edad 17.

Higit na mataas ito kumpara sa 872,333 kabataan ng parehas na taon noong 2020.

Ang sector naman ng agrikultura ang naitala na may pinakamaraming bata na pwersadong nagtatrabaho.

Ayon pa sa mambabatas, kailangan nang repasuhin ang kasalukuyang batas upang matiyak na napoprotektahan ang mga bata kontra child labor.

Diin ng Rizal solon, kailangan maipagkaloob sa kanila ng gobyerno ang social protection services, quality education, better economic, at livelihood opportunities upang maibsan ang kahirapan sa kanilang pamilya.

Aniya, pangungunahan niya ang stakeholders meeting upang talakayin ang mga hakbang na maaaring ipatupad upang tugunan ang mga isyu at problema. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us