Nakabalik na sa bansa ang 82 kababayan natin na pinadala sa Turkey para tumulong sa Rescue at Retrival operations.
Dumating ang Philippine interagency humanitarian contingent kagabi sa naia sakay ng Turkish airline Flight TK264.
Sinalubong sila sa airport bilang isang bayani.
Binubuo ang 82 Philippine interagency humanitarian contingent mula sa Office of Civil Defense, Department of Health, Philippine Army, Philippine Airforce, Metropolitan Manila Development Authority, at Subic Bay Metropolitan Authority.
Matatandaang agad silang pinadala ng ating pamahalaan matapos ang magnitude 7.8 na lindol sa Turkey noong February 6.
Dalawang linggo silang tumulong sa rescue at retrieval operation kung saan naa-assess at na-clear ang 36 na gumuhong gusali. | ulat ni Don King Zarate