????, ???????? ?? ??????? ?? ???????????? ???? ?? ??????????? ???????? ?? ???? ???????? 3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Bureau of Immigration (BI).

Ito ay para maibsan ang napakahabang pila na nararanasan ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) partikular na sa Terminal 3 nito.

Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong, nakatanggap sila ng kaliwa’t kanang reklamo ng mga pasaherong naiiwan ng kanilang eroplano dahil sa mahabang pila sa Immigration Counters bunsod ng kakapusan ng mga tauhan.

Kasunod nito, sinabi ni Chiong na nangako ang BI na magdaragdag pa sila ng mga tauhan bago pa man dumagsa ang mga pasahero lalo na sa peak hours upang maiwasan na ang mahabang pila.

Hinihimok din ng MIAA ang Immigration na dagdagan ang kanilang electronic o e-gates, para sa mga papaalis na pasahero bukod pa sa mga nauna nang inilagay na e-gates para sa mga paparating na pasahero upang mapabilis ang kanilang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us