Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 7355 o Negros Island Region Bill.
Isa ang NIR sa 12 nalalabing LEDAC priority measures ng administrasyon na target pagtibayin ng Kamara.
Nilalayon ng panukalang batas na pabilisin ang economic at social growth at development ng Negros Occidental at Negros Oriental bilang single administrative region.
Bubuoin ang NIR ng mga lungsod, munisipalidad, at mga barangay sa Negros Oriental, Negros Occidental, at island province ng Siquijor.
Isinama sa NIR ang Suquijor dahil malapit sa Negros Island at halos magkahalintulad lamang ng kultura.
Giit ng mga kongresista mula Negros, napakahalaga ng panukala para mapag-isa ang dalawang lalawigan na magbibigay daan upang maramdaman ng mga Negrense ang mabilis at tuloy-tuloy na paglago ng kanilang ekonomiya.
Hiling pa ni Negros Occidental 3rd District Representative Kiko Benitez ang patuloy na suporta sa panukala hanggang sa mapagtibay sa final reading. | ulat ni Kathleen Jean Forbes