?????? ??????’ ????????????, ?????? ?? ?? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaboran ng 307 na mambabatas ang pagpapatibay sa House Bill 7241, aamyendahan nito ang Republic Act 8189 o ang Voter’s Registration Act of 1996 kung saan papahintulutan ang pagpaparehistro ng botante online.

Kasama rin sa isinusulong ng panukala ang digitalization ng talaan ng mga botante gayundin ang paglilinis sa talaan at pagpapalit ng rehistro.

Para sa mga magpaparehsitro, maaaring isumiteng proof of residence ang tax declaration o patunay ng pagbabayad ng real property tax, utility bill gaya ng kuryente, tubig, telepono o mobile phone subscription, sinumpaang salaysay mula sa dalawang disinterested witness na nagpapatunay na doon nakatira ang aplikante at iba pa.

Ang aplikasyon para sa pagpaprehistro ay maaaring isumite sa tanggapan ng election officer o sa website ng Commission on Elections (COMELEC).

Kung sakaling online isumite ang registration magpapadala ng kumpirmasyon ang COMELEC, at magpapadala ang poll body ng paraan kung paano mabantayan ang status ng application.

Itinutulak din sa panukala na magdaos ng quarterly na paglilinis sa lisatahan ng registered voters kung saan tatanggalin ang mga namatay na matapos sertipikahan ng Philippine Statistics Authority.

Hindi naman na dapat singilin ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang COMELEC sa paglalabas ng naturang nalinis na listahan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us