Inilunsad ng Office of the Vice President ang βLibreng Sakayβ na may rutang Commonwealth-Quiapo ngayong araw.
Naisakatuparan ito sa pakikipagtulungan ng Metropolitan Manila Development Authority, Quezon City Government at JAC Liner.
Dalawang bus ang ide-deploy mula sa DoΓ±a Carmen hanggang Quiapo Church and vice versa upang makatulong sa transportasyon tuwing peak hours sa umaga at hapon.
Sa tala ng OVP Local Affairs and Special Projects Division, umabot na sa 337,673 individuals ang naserbisyuhan sa 5,852 trips sa buong bansa.
Mababatid na inilunsad ang Libreng Sakay program ng OVP noong Agosto sa Metro Manila, Cebu City, Lapu-Lapu, Mandaue, Bacolod at Davao City.
Layon ng programa na tulungan ang commuters sa pamamagitan ng partnership sa private bus companies at owners. I via Hajji Kaamino