?????? ?? ?????? ?????? ??????, ????-????? ?? ?? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaari nang i-transmit ng Kamara sa Senado ang panukalang bubuo sa Negros Island Region.

Ito’y matapos paboran ng 290 na mambabatas ang pag-apruba sa House Bill 7355 o Negros Island Region Bill.

Nilalayon ng panukalang batas na pabilisin ang economic at social growth at development ng Negros Occidental at Negros Oriental bilang single administrative region.

Sa paraang ito, mararamdaman ng mga Negrense ang mabilis at tuloy-tuloy na paglago ng kanilang ekonomiya.

Bubuuin ang NIR ng mga lungsod, munisipalidad, at mga barangay sa Negros Oriental, Negros Occidental at island province ng Siquijor.

Isasama sa NIR ang Siquijor dahil malapit sa Negros Island at halos magkahalintulad lamang ng kultura.

Pangungunahan ng DILG ang Technical Working Group na maglalatag ng plano para sa transition ng NIR.

Isa ang NIR Bill sa 12 nalalabing LEDAC priority measures ng administrasyon na target pagtibayin ng Kamara. I via Kath Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us