Tutol si Paraรฑaque City Representative Gus Tambunting sa inilatag na schedule ng Commission on Elections (COMELEC) para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Oktubre.
Ayon kay Tambunting magkakaroon ng problema kung itutuloy ng poll body na itakda sa Hulyo ang pagpapasa ng COC dahil posibleng makompromiso ang integridad ng halalan.
Pahahabain kasi aniya ng COMELEC ang kampanya na maaaring magresulta sa โvoter fatigueโ at pagkawala ng interes ng publiko sa halalan.
Hindi rin naman umano magagawa ng COMELEC na mapagbawalan ang mga kandidato na maagang mangampanya mula Hulyo hanggang Oktubre.
โWhile Comelec claims that there will be no campaigning between July to October, the implementation of such a ban is unrealistic given the number of barangays and candidates involved. It will be challenging to enforce this rule, and it may result in candidates trying to find loopholes to circumvent the prohibition,โ diin ng mambabatas.
Nababahala rin ang Paraรฑaque solon na mas iinit ang banggaan ng mga magkalaban na posibleng magresulta sa karahasan.
Dagdag pa nito na hindi malayong mapag-iwanan ang mga kandidato na kapos ang pondo para sa pangangampanya kung ikukumpara sa mga may pera at koneksyon.
โI call on the COMELEC to reconsider this plan and stick to the usual schedule of COC filing for the Barangay and SK elections. I urge the Commission to prioritize the safety and integrity of the electoral process and to consider the welfare of the voters and the candidates,โ apela ni Tambunting. | ulat ni Kathleen Jean Forbes