Philippine National Police (PNP) na ang bahala sa pag-aresto o pagsita sa mga makikibahagi sa tigil-pasada.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Procopio Lipana, mandato na ng PNP ang pagtugon sa nasabing sitwasyon habang sila naman sa MMDA ang nakatutok sa mga maii-stranded na pasahero at pagde-deploy ng libreng sakay.
Matatandaan na may pagkakataon na hinaharang ng mga nagtitigil-pasada ang ilang driver para pilitin na huwag pumasada.
Kaninang alas-5 pa lang ng madaling araw ay nakatutok na ang MMDA sa sitwasyon mula sa command center ng MMDA sa Makati office.
Aabot sa 1200 na sasakyan ang nakahandang i-deploy para sa libreng sakay. | ulat ni Don King Zarate