277 na mambabatas ang pumabor para ipasa sa 3rd at final reading ang House Bill 4605.
Aamyendahan ng panukala ang Civil Code of the Philippines upang maisama ang opsyon na panatilihin ang maiden first name at surname ng babae kahit pa ikasal na ito.
Batay sa nakasaad sa Civil Code oras na ikasal ang isang babae ay maaari nitong gamitin ang kaniyang maiden first name at surname na daragdagan ng apelyido ng kanyang mister; ang kanyang unang pangalan at ang apelyido ng kanyang mister; o ang buong pangalan ng kanyang mister at lalagyan ng prefix sa unahan gaya ng βMrs.β
Nilalayon ng panukala na kilalanin ang karapatan ng mga kababaihan na patuloy na magamit ang kanilang pangalan sa pagkadalaga kahit na sila ay mayroon ng asawa.
Ang hakbang na ito ay pagpapakita ng pagkilala ng Mababang Kapulungan sa equality o pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalake ayon kay Speaker Martin Romualdez.
βIt is not enough that our jurisprudence says that a married woman has an option, but not a duty, to use the surname of the husband. It is important that we institutionalize that they can decide to retain both their maiden name and surname,β saad ng House leader. I via Kath Forbes