Ikinalulugod ng Pamahalaan ang naging desiyon ng MANIBELA Transport Group na itigil ang isinasagawang transport strike ngayong linggo, na ipinatupad kaugnay sa kanilang pagtutol sa implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Inutusan ng Pangulo ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gamitin ang naging extension ng deadline hanggang December 31, 2023 para sa consolidation, upang muling pag-aralan ang mga probisyon ng Department Order No. 2017-011 o ang Omnibus Franchising Guidelines (OFG).
Ito ay upang siguruhin na naisaalang-alang ang bawat aspeto ng implementasyon ng programa, kabilang ang pagdinig sa mga hinaing ng ating mga driver at operator.
Ayon na rin sa direktiba ng Pangulo, magsasagawa ang DOTr at ang LTFRB ng malalim at malawakang konsultasyon upang tiyakin na mas maging maayos ang pagpapatupad ng PUVMP at mabigyang-diin na ang sentro ng programang ito ay ang ating mga driver, operator, at lalong lalo na ang ating mga komyuter.
Sa huli, iisa lamang ang layunin ng gobyerno at ng ating sektor ng pampublikong transportasyonβang magbigay ng maayos, maginhawa, ligtas, at episyenteng serbisyo sa bawat pasahero. | ulat ni Alvin Baltazar
?: PCO