Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Maros Jr. ang Philippine National Police (PNP) na gawin kung ano ang kanilang ginagawa tuwing eleksyon o iyong pagtukoy sa political hotspots,
Pahayag ito ng pangulo kasunod ng magkakasunod na insidente ng pamamaslang o pananambang sa elected officials.
Pinakahuling kaso ang pamamaril kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa ambush interview sa pangulo, matapos ang memorandum of agreement signing ng KALAP program sa Palasyo, sinabi nito na bukod sa pagpapataas ng presenya ng pulis sa hotspots, kailangan ring hanapin ang pinagmumulan ng mga ilegal na baril na ito.
Kung matutukoy kasi aniya ang pinagmumulan ng illegal firearms, hihina, o mababawasan ang mga insidente ng pananambang o krimen, maging ng private army.
Samantala, kuntento naman si Pangulong Marcos, sa mga isinasagawang imbestigayon ng mga otoridad.
Marami aniyang nakukuhang impormason ang mga ito, at mabilis aniyang nahuli ang mga suspect.
Kaugnay nito, binigyang diin ng pangulo na hindi katanggap – tanggap ang pagpatay sa governor, at kailangang agad na mapapanagot ang mga may sala sa mga kaso ng pΓ mamaslang.
“Again, the killing of Governor Degamo is entirely unacceptable and it will not stand. This cannot go unpunished.” βPangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan